Pilipinas, iginiit sa EU Parliament na itigil na ang pagpapadala ng pondo sa CPP/NPA
Hindi pag-aaksaya ng pera ng bayan ang isinagawang Press Freedom Caravan na ikinasa ng Presidential Comminications Office o PCOO sa ilang bahagi ng Europa.
Ito ang binigyang -diin ni PCOO Undersecretary Lorraine Badoy dahil naisiwalat sa mga miyembro ng parliament ng European Union ang matagal ng panloloko sa kanila mismo ng Communist Party of the Philippines New Peoples army o CPP/NPA.
Partikular na dito ayon kay Badoy ang panghihingi ng CPP/ NPA ng milyong milyong euro na ibinibigay naman ng EU sa pag-aakalang ginagamit ang ibinibigay na pondo para sa kapakinabangan ng mga mahihirap.
Ayon kay Badoy ikinagulat ng parliament na kung susumahin ang naibibigay nang pondo ng EU sa grupo ng komunista ay papalo na nang bilyong-bilyong piso.
Iginiit ng deligasyon nina Badoy sa parliyamento na itigil na ang pagbibigay ng pondo sa grupo ng makakaliwa para matitigil na ang ginagawang karahasan sa bansa.
Ulat ni Vic Somintac