Pilipinas, isa sa mga bansang may pinakamaraming basura sa mga waterways – Sen. Villar
Umapila si Senador Cynthia Villar, Chairman ng Senate committee on
environment and natural resources sa publiko na magpatupad ng waste
segregation at iwasan ang pagtatapon ng mga basura sa mga waterways.
Sa pagdiriwang ng Zero Waste month, sinabi ni Villar na nakakabahala
na sa kabila ng mga umiiral na batas, ang Pilipinas ang may pinakamaraming
basura lalo na sa mga waterways at bodies of water.
Katunayan, batay aniya sa pinakahuling pag-aaral ng University of
Georgia, ang Pilipinas na ang ikatlo sa may isandaan at siyamnapu’t
dalawang mga bansa sa buong mundo na may pinakamaraming plastic debris
bukod sa China at Indonesia.
Hinimok ng senador ang mga local government units na mahigpit na
ipatupad ang Republic Act 9003 o Ecological solid waste management Act of 2000 para mabawasan ang basura at maiwasan ang matinding
panganib nito gaya ng malawakang pagbaha.
Kasabay nito, nagsagawa ng clean up drive si Villar kasama ang ilang
grupo ng kabataan at Manila Bay Sunset Partnership Program Inc. sa Las
Piñas Paranaque wetland park at coastal area sa kahabaan ng Manila
bay.
Ulat ni Meanne Corvera
=== end ===