Pilipinas, kabilang sa least peaceful countries ng Global Peace Index 2017
Napasama ang Pilipinas sa listahan ng least peaceful countries batay sa Global Peace Index 2017.
Sa nasabing datos, pang 138 ang Pilipinas sa 163 na mga bansa sa buong mundo.
Nakasaad din sa nasabing pag-aaral na ang overall score ng Pilipinas kung ang pag-uusapan ay ‘kapayapaan’ ay maituturing na ‘deteriorated’ mula nang manungkulan sa pwesto si Pangulong Rodrigo Duterte.
Napasama rin sa report ang madugong laban ng pamahalaan kontra ilegal na droga at krimen na nagpalala sa Societal Safety and Security indicators ng Pilipinas.
Sa buong Asia-Pacific, ikalawa sa pinakamababa ang Pilipinas sa peace ranking kasunod ng North Korea.
Binanggit din ang pagtaas ng homicide rate, bilang ng mga nasasawi dahil sa internal conflict, extrajudicial killings sa mga hinihinalang kriminal, drug mules at users.
Ang New Zealand naman ang itinanghal na most peaceful sa rehiyon at ikalawa sa buong mundo.
Kabilang ang Pilipinas at ang mga bansang Libya, Israel at Ethiopia na bumaba ang ranking sa peace index.