Pilipinas kasama sa Rim of the Pacific Maritime Exercises
Kasama ang Pilipinas sa dalawampu’t limang (25) bansa na lalahok sa pinakamalaking Maritime Exercises sa mundo na tinatawag na rim of the Pacific o rimpac.
Batay sa pahayag ng United States Navy isasagawa ang Maritime exercises sa Hunyo 29 hanggang Agosto 4.
Dadaan ang nasabing Naval exercise sa paligid ng Hawaii Islands at Southern California.
Ilan sa pagsasanay na gagawin ay amphibious operations, gunner, missile, anti-submarine at air defense exercises; sea control and complex warfighting; mine clearance operation; diving and salvage operations at iba pa.
Lalahok dito ang dalawampu’t limanglibong navy crew; tatlumpu’t walong naval ship; higit isandaan at pitumpong eroplano at land forces mula sa siyam na bansa.
Ilan sa mga bansang makakasama ng US at Philippine Navies ay mula sa Australia; Canada; France; Germany; Israel; Japan; South Korea at United Kingdom.