Pilipinas, kauna- unahang ASEAN Member State na lumagda sa market access agreement sa Timor- Leste
Lumagda ang Pilipinas ng market access agreement sa Timor- Leste matapos na mapabilang ang nasabing bansa sa World Trade Organization (WTO) noong nakaraang Enero.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), ang Pilipinas ang kauna-unahan na ASEAN member state na lumagda ng nasabing bilateral agreement sa Timor- Leste.
Sa signing ceremony, binanggit ni Philippine Mission to the World Trade Organization (WTO) Chargé d’Affaires, a.i. Gabriel Bautista na ang dalawang bansa ay parehong malapit pagdating sa kultura at kaugalian.
Sinabi pa ni Bautista na nananatiling handa ang Pilipinas na suportahan ang Timor- Leste para palakasin at palawigin ang ekonomiya nito.
Aniya, malaki ang potensyal ng kolaborasyon ng dalawang bansa sa mga sektor ng enerhiya, agrikultura, construction, edukasyon at retail services.
Moira Encina