Pilipinas, kayang mag-survive kahit walang VFA – Justice Sec. Guevarra
Minaliit ni Justice secretary Menardo Guevarra ang implikasyon ng pagbuwag ng Pilipinas sa Visiting Forces Agreement sa Amerika..
Aminado si Guevarra na mawawalang-saysay ang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) at Mutual Defense Treaty dahil sa terminasyon ng VFA.
Pero binigyang-diin ni Guevarra na makaka-survive ang Pilipinas kahit kinansela ang nasabing kasunduan.
Inihalimbawa ng kalihim ang makasaysayang pagbuwag noon ng bansa sa RP-US military bases agreement.
Naka-survive aniya noon ang Pilipinas kaya walang dahilan para hindi mag-survive ang bansa dahil lamang sa VFA.
Ulat ni Moira Encina
Please follow and like us: