Pilipinas lumagda ng donation agreement sa University of Michigan para sa PH Studies Program
Pinagkalooban ng Pilipinas ang University of Michigan (U-M) ng Php 5 million grant para sa Philippine Studies Program ng pamantasan.
Lumagda sa Deed of Donation sina Philippine Consul General in Chicago J. Susana Paez at U-M Vice President for Development Thomas Baird.
Ang grant ay para sa PH-related research sa relevant topics, pagbili ng Filipiniana materials at pagsasagawa ng academic exchanges sa ilalim ng Congressional Initiative for PH Studies.
Ayon kay Consul General Paez, sa pamamagitan ng donasyon ay mapapaigting ang PH-related programs na iniaalok ng Center for Southeast Asian Studies (CSEAS) at Philippines collection ng library ng U-M.
Tiwala rin si Paez na sa tulong nito ay magiging matagumpay ang U-M sa pagpapalawak ng kaunawaan sa kasaysayan, kultura, at lipunan ng Pilipinas sa mga estudyante at iba pang stakeholders.
Ang CSEAS ay kilala bilang isa sa mga may pinakamalalaking programa sa Southeast Asian Studies sa US at ang library nito sa Philippine collection ay isa sa mga most extensive sa mundo.
Moira Encina