Pilipinas lumahok sa Diving Equipment and Marketing Association (DEMA) Show 2022 sa Florida, USA
Itinampok ang best dive sites ng Pilipinas sa Diving Equipment and Marketing Association (DEMA) Show 2022 sa Florida, USA.
Pinangunahan ng delegasyon mula sa Department of Tourism (DOT) at ng Tourism Promotions Board (TPB) ang paglahok ng Pilipinas sa DEMA Show.
Ang taunang aktibidad ay ang pinakamalaking trade-only event sa buong mundo para sa mga kumpanya na may negosyo sa scuba diving, ocean water sports at adventure travel.
Bukod sa dive sites sa Batangas, Cebu, Bohol, at Palawan na ipinakita sa booth ng Pilipinas sa DEMA Show, ibinida rin ang underwater activities gaya ng sardine run, reef wall snorkeling, dolphin watching, at wreck diving.
Nagkaroon din ng business meetings at networking sessions ang dive resorts at operators ng Pilipinas na parte ng delegasyon.
Tiwala si Tourism Secretary Christina Frasco na ang partisipasyon ng Pilipinas sa international trade shows gaya ng DEMA Show ay maghuhudyat sa pagbabalik ng dive industry sa Pilipinas.
Inihayag pa ng kalihim na sa unang pagkakataon ay pinaglaanan ng gobyerno ang Philippine Commission on Sports Scuba Diving (PCSSD) na attached agency ng DOT ng budget na Php 9.53 million.
Ito ay para lalo aniyang mapalakas ang dive tourism promotion and development ng bansa.
Moira Encina