Pilipinas, malabong maging Rice sufficient sa susunod na 3 taon
Aminado si bagong Agriculture secretary William Dar na malabong maabot ng Pilipinas ang pagiging rice sufficient sa loob ng susunod na tatlong taon.
Sa isang forum sa Maynila, sinabi ni DAR na matagal na nyang pangarap na maging rice sufficient ang bansa pero mahirap itong maabot.
Paliwanag ng opisyal, sa kasalukuyan nasa 1 milyong ektarya pa ng mga palayan ang walang irigasyon.
At dahil walang sapat na pondo ang pamahalaan dito ay posibleng abutin pa aniya ng hanggang dalawampung taon bago ito maisakatuparan.
Hanggat hindi aniya napaglalaanan ng sapat na pondo ang pagpapaunlad sa agrikultura ay malabong matiyak ang food security.
Nakakadismaya aniyang ang mga magsasaka sa bansa ay nasa kategorya ng poorest of the poor.
Kaya naman apila ng opisyal sa mga nasa pribadong sektor na tulungan ang mga magsasaka at mangingisda sa bansa at gawin itong focus ng kaunlaran para matulungan na mapataas ang antas ng kanilang pamumuhay.
Ulat ni Madz Moratillo