Pilipinas mas kinikilala na ngayon ng ASEAN dahil sa matatag na independent foreign policy
Mas lumakas ang boses ngayon ng Pilipinas sa international community dahil sa matatag na foreign policy ng Duterte administration.
Sa closing ceremony ng Association of Southeast Asian Nation, inamin ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano na nawalan sila ng pag-asa na makakabuo pa ng joint communiqué ang mga miyembro ng ASEAN dahil sa ibat-ibang interes ng mga bansang kasapi nito.
Pero dahil sa pagpapatupad aniya ng independent foreign policy ng Duterte administration at bilang chairman ng ASEAN, nagkaroon ng konsultasyon, concensus at cooperation para isulong ang national interest.
Dahil sa independent foreign policy, nabuo rin aniya ang mas matindi pang pagkakaibigan na nagresulta na ng economic growth sa Pilipinas.
Isa sa tinukoy ni Cayetano ang 24 billion dollar na financial agreement at investment ng China sa Pilipinas na bunga ng bilateral talks ng Pangulo sa China.
Ulat ni: Mean Corvera