Pilipinas may 2 kaso na ng Omicron variant – DOH
May kaso na rin ng pinangangambahang Omicron variant ng COVID- 19 sa bansa.
Pero ayon sa Department of Health ang 2 na nagpositibo sa Omicron ay biyahero mula ibang bansa at kasalukuyang naka-quarantine.
Ang isa sa kanila ay isang returning overseas filipino na dumating sa bansa mula sa japan noong December 1 sakay ng Philippine Airlines Flight PR 0427.
Isinailalim siya sa RT PCR Test noong December 5 at lumabas ang resulta na positibo siya sa COVID- 19 noong December 7.
Sa kasalukuyan ay asymptomatic ang nasabing pasyente pero nung dumating sya sa bansa ay nakitaan ito ng sintomas ng ubo at sipon.
Ang isa namang Omicron case ay isang Nigerian national na dumating sa bansa noong November 30 mula sa Nigeria sakay ng Oman Air flight WY 843.
Isinailalim ito sa RT PCR test noong December 6 at noong December 7 ay lumabas ang resulta na positibo ito sa virus.
Sa kasalukuyan ay asymptomatic ang nasabing pasyente.
Ayon kay Health Usec. Ma Rosario Vergeire, ang isa sa mga ito ay fully vaccinated na kontra COVID-19 habang ang isa naman hindi pa bakunado.
Ayon sa DOH, matapos makumpirma na positibo sa virus ang dalawa ay agad naman silang inilipat sa isolation facility.
Inaalam na ngayon ng DOH ang kalagayan ng mga pasaherong nakasabay ng dalawa.
Umapila naman ang DOH sa mga naging pasahero ng nasabing flights na makipag-ugnayan sa DOH Covid 19 hotlines na (02) 8942-6843 o 1555 o sa kanilang mga LGU.
Madz Moratillo