Pilipinas may sapat na manpower para sa pagbabakuna ng 60 milyong pinoy – Malacañang
Tiniyak ng Malakanyang na may sapat na tauhan ang pamahalaan para pangasiwaan ang ikinakasang mass vaccination program kontra COVID 19.
Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque na hindi bagong bagay ang mass immunization activities para sa Department of Health o DOH.
Ayon kay Roque mayroong sistema na ipapatupad ang DOH para mabakunahan ang target na 60 milyong pinoy sa sandaling makarating na sa bansa ang bibilhing anti COVID 19 vaccine.
Inihayag ni Roque na organisado ang mga health personnel ng pamahalaan mula sa national level hanggang sa mga barangay na siyang inaasahang mangangasiwa sa anti COVID 19 vaccination program.
Vic Somintac