Pilipinas, muling itinanghal bilang World’s Top Dive Destination

Muling nagwagi ang Pilipinas bilang nangungunang Dive Destination sa buong mundo.

Ito ay iginawad sa 2024 World Travel Awards.

Ayon sa Department of Tourism, pang-anim na beses na itong iginawad sa bansa ng World Travel Award giving industry.

Sinabi ni Tourism Secretary Christina Garcia Frasco na ang parangal ay iginawad na sa ating bansa simula noong 2019 hanggang 2023 at ngayong taon ay muli nating nakamit.

Maliban sa nasabing parangal, kinilala rin ang Pilipinas bilang Asia’s Leading Dive destination for 2024 na kwalipikado na sa global category.

Ang anunsyo ay ginawa ni Secretary Frasco kahapon sa launching ng Philippine Dive Experience Program na ginanap sa batangas, partikular sa Anilao na isa sa sikat na dive destination sa bansa.

Ipinagmalaki ng kalihim na ang bansa ay kumita ng 73 billion pesos mula sa diving industry noong 2023.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *