Pilipinas, nagdonasyon ng $100,000 sa Myanmar
Nai-turnover na ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Secretariat sa Jakarta, Indonesia ang $100,000 na kontribusyon ng Pilipinas para sa nagpapatuloy na recovery at rebuilding efforts sa Myanmar matapos ang paghagupit doon ng Bagyong Mocha noong 2023.
Si Ambassador Hjayceelyn Quintana, Permanent Representative of the Philippines to ASEAN ang nag-abot ng donasyon kay ASEAN Secretary-General Dr. Kao Kim Hourn bilang ASEAN Humanitarian Assistance Coordinator (SG-AHAC).
Umaasa ang Pilipinas na makatutulong ang donasyon sa pagbangon muli ng mga apektadong komunidad sa Myanmar na tinatayang umabot sa 1.3 milyong katao.
Ayon kay Quintana, ang Myanmar gaya ng Pilipinas ay disaster-prone kaya mahalaga na tumulong ang bansa para mapalakas ang kapasidad ng ASEAN sa pagtugon sa mga kalamidad.
Kabilang sa mga sumaksi sa seremonya si Ambassador Aung Myo Myint, Permanent Representative of Myanmar to ASEAN.
Moira Encina