Pilipinas, nagreserba ng 29 million COVID-19 vaccine doses para sa adolescents
Hindi bababa sa 29 na milyong COVID-19 vaccine doses ang inilaan ng gobyerno ng Pilipinas para sa pagbabakuna sa mga adolescent, o mga nasa edad 12-17 na magsisimula ngayong Oktubre.
Ayon kay National Task Force Against COVID-19 Secretary Carlito Galverz, Jr., ” Uunahin natin yung may comorbidities, they will be categorized as A3 and then yung dependent ng healthcare workers ‘yun muna ang uunahin natin.”
Pahayag ng NTF, ang pagbabakuna sa adolescents ay malamang na gawin sa limang ospital sa National Capital Region.
Ang bakuna na inaprubahang gamitin para sa mga edad 12-17 ay Pfizer at Moderna.
Hanggang kahapon, Sept. 30, ang Pilipinas ay nakapagbakuna na ng higit 71.3 million vaccine doses.
Kinumpirma ng Dept. of Health na sisimulan nila ang pagbabakuna sa mga nasa edad 12-17 sa kalagitnaan ng Oktubre, na sisimulan sa may comorbidities o medical conditions. Kakailanganin din muna ang consent ng mga magulang bago bakunahan ang mga ito.