Pilipinas nais ni PBBM na maging “world stage” sa larangan ng pamumuhunan
Ang magandang performance ng ekonomiya ng Pilipinas ang ipagmamalaki umano ni
Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang pagharap sa global leader at mga negosyante sa pagdalo nito sa World Economic Forum sa Switzerland.
Ayon kay Foreign Affairs Undersecretary Carlos Sorreta, pangungunahan ng Pangulo ang kaniyang economic team kung saan ipiprisinta nito ang kasalukuyang economic performance ng bansa.
Ang WEF aniya ang premier forum para sa pagtitipon ng world at business leaders.
Dito aniya nabubuo ang mga ideya at plano upang matugunan ang mga hamon sa global economy.
Kasama umano sa magiging aktibidad ni PBBM ang high-level dialogue kasama ang iba pang lider kabilang ang presidente ng South Africa, Prime Minister ng Belgium, at Presidente ng European Commission.
Nakatakda rin umanong talakayin ni PBBM ang isyu kaugnay sa global nutrition.
Inaasahan na makikipagpulong rin siya sa Filipino community mula Switzerland at iba pang bansa sa Europa.
Madelyn Villar-Moratillo