Pilipinas, nakapagtala ng 225 dagdag na mga kaso ng COVID-19
Nakapagtala ang Pilipinas ng 225 karagdagang mga kaso ng COVID-19 nitong Biyernes, June 4, kaya ang kabuuang kaso ay 36,911,14 na.
Ayon sa COVID-19 tracker ng Department of Health, ang Metro Manila ang nakapagtala ng pinakamataas na bagong COVID-19 cases sa nakalipas na 14 na araw, na may 1,059 na mga kaso.
Sinundan ito ng CALABARZON, na may 418 bagong mga kaso, Central Luzon na may 237, Western Visayas na may 132, at SOCCSKSARGEN na may 104.
Sa nakalipas na 14 na araw, ang Quezon City ang nakapagtala ng pinakamataas bilang ng mga bagong kaso na may 168, sinundan ng Maynila na may 165, Cavite na may 156, Makati na may 141 at Laguna na may 101.
Ang bilang naman ng recoveries ay 36,282,17 habang ang bilang ng mga nasawi ay 60,456.