Pilipinas nakikiramdam sa epekto ng missile firing ng North Korea malapit sa Japan
Patuloy na nakamasid ang Pilipinas sa tensiyong nagaganap sa Korean Peninsula na kagagawang ng North Korea.
Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella nakahanda naman ang Office of the Civil Defense o OCD kung kinakailangang magbigay ng warning sa mga mamamayang Pilipino.
Ayon kay Abella sa ngayon ay walang dapat pang ikaalarma ang Pilipinas dahil ang missile firing ay nakaumang sa Japan.
Inihayag ni Abella patuloy namang nagkakaroon ng ugnayan ang mga security officers ng mga bansang malapit North Korea.
Sa ngayon nananatiling banta sa seguridad at katahimikan ng mundo ang ginagawang missile firing ni North Korean leader Kim Jung Un.
Ulat ni: Vic Somintac