Pilipinas nanawagan para sa agarang paghinto ng karahasan sa Ukraine
Nanawagan nitong Miyerkoles ang Pilipinas, para sa agarang paghinto ng nangyayaring karahasan sa Ukraine.
Ayon kay acting presidential spokesperson Karlo Nograles . . . “We appeal for an immediate end to the unnecessary loss of life and call on the states involved to forge an accord that can help prevent a conflagration that could engulf a world still struggling to recover from the COVID-19 pandemic.”
Aniya . . . “The course of history and the fate of our world will be shaped by the decisions that will be made by its leaders. We are one in prayer, together with all peace-loving citizens, that they be guided by wisdom and a genuine desire to save lives, establish harmony among neighboring nations and forge a just and lasting peace for humanity.”
Nitong Lunes ay nakipagpulong si pangulong Rodrigo Duterte sa matataas na opisyal ng militar, mga opisyal ng pulis, mga negosyante, at mga miyembro ng Gabinete upang pag-usapan ang nangyayaring kaguluhan sa European country.
Nang araw ding iyon ay bumoto ang Pilipinas ng “yes” sa isang United Nations General Assembly resolution na kumukondena sa aksiyon ng Russia sa Ukraine.
Sinimulan na rin ng Pilipinas ang pagpapauwi sa mga Filipino na nasa Ukraine, at sinabing ito ay boluntaryo.