Pilipinas, nanguna sa mga bansang kumpiyansa kay Trump
Nanguna ang Pilipinas sa mga bansang nagpahayag ng kumpiyansa sa panunungkulan ni US President Donald Trump.
Sa isinagawang Spring 2017 Global Attitude Survey ng P-E-W research center na isang “fact tank” sa US, wala pang sampu mula sa nasa halos 40 bansa na isinailalim sa survey ang nagsabing sila ay may kumpiyansa kay Trump.
Ang Pilipinas ang nakapagtala ng pinakamataas na confidence rate kay Trump na 69%, sinundan ito ng Vietnam at Nigeria na 58%, Israel 56%, Russia 53%, Kenya at Tanzania 51%.
Ang nasabing mga bansa ay naniniwala at kumpiyansa na gagawin ni Trump ang tama sa mga isyu sa buong mundo.
Napakataas naman ng rating na nakuha sa mga bansang walang kumpiyansa o hindi nagtitiwala kay Trump.