Pilipinas, nasa 96% Rice self-sufficient- Department of Agriculture

 

Sapat ang suplay ng bigas sa bansa….

Ito ang tiniyak ni Department of Agriculture Undersecretary for Special concerns Atty. Ranibai Dilanggalen sa kabila ng mga pangamba na may kakulangan na sa suplay ng NFA rice.

Sa panayam ng programang Usapang Pagbabago, sinabi ni Dilanggalen na ang tinutukoy na may kakulangan ay ang buffer stock ng National Food Authority o NFA pero kung ang pag-uusapan aniya ay rice sufficiency ay nasa 96% pa rin ang suplay ng bigas sa bansa bukod pa ito sa paparating na stock ng NFA rice ngayong Hunyo.

Kasabay nito, sinabi ni Dilanggalen na upang maibsan ang kakulangan sa NFA rice, nais nilang palawakin ang inilunsad na proyekto ng Agriculture Department ang “Bigas para sa Masa” kung saan makabibili ng mga de-kalidad na bigas sa murang halaga.

Atty. Ranibai Dilanggalen:

“Pagdating sa ating bigas, eh ang pagkalahatan po ay walang po tayong problema. Meron po tayong suplay ng bigas 95 to 95 percent”.

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *