Pilipinas nasa moderate risk na ng COVID-19 infection
Bumaba na sa moderate risk ang classification ng Pilipinas sa Covid-19 infection.
Ayon kay Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire, ang reproduction number ngayon ng Covid-19 sa bansa ay .88 na lamang.
Habang ang average daily attack rate ng virus, bumaba na sa 14.73 sa nakalipas na 2 linggo mula sa 18.55.
Ang Covid -19 beds naman sa bansa nasa 63.83% ang occupancy rate, habang 54.15% naman sa mechanical ventilators at 73.20% naman ang ICU utilization rate.
Ang National Capital Region naman, nananatiling nasa moderate risk na may reproduction number na .82.
Ang average daily attack rate sa NCR bumaba rin sa 26.64 sa nakalipas na 2 linggo mula sa 39.75.
Pero binabantayan naman ang ICU utilization rate sa NCR na ngayon ay nasa 74.90%.
Paglilinaw naman ni Vergeire, sa ngayon ay pinag-aaralan pa nilang mabuti kung talagang bumababa na ang mga kaso o artificial lamang ito.
Madz Moratillo