Pilipinas niyanig ng magnitude 6.9 na lindol
Niyanig ng isang magnitude 6.9 na lindol ngayong Lunes ng umaga ang katimugang Pilipinas. Ang pinakabago sa serye ng malalakas na pagyanig na tumama sa kaparehong lugar, ayon sa United States Geological Survey (USGS).
Ang lindol ay tumama bago ang alas-4:00 ng umaga (local time), sa lalim na 30 kilometro o 18 milya, may 72 kilometro hilagang-silangan ng munisipalidad ng Hinatuan sa isla ng Mindanao.
Sumunod ito sa isang magnitude 6.6 na lindol noong Linggo at isang “deadly” magnitude 7.6 noong Sabado sa kaparehong rehiyon, na sandaling nag-trigger ng isang tsunami alert.
Hindi bababa sa dalawa katao ang nasawi at ilan naman ang nasaktan matapos ang lindol noong Sabado, ayon sa mga awtoridad.
Sinundan iyon ng isang serye ng aftershocks na ang magnitude ay lampas sa 6.0 hanggang Linggo.
Sinabi ni Allan Luna, isang disaster officer sa Cagwait municipality, mga 35 kilometro mula sa sentro ng lindol na naramdaman ngayong Lunes, “Saglit lang ang lindol, tumagal ito humigit-kumulang anim na segundo, pero malakas ang uga. Noong isang gabi, nagpanic ang mga tao. Ngunit ngayong umaga, dahil nakaranas na sila ng katulad na lindol, mahinahon silang lumabas ng kanilang mga bahay at nanatili sa labas ng halos isang oras.”
Ayon naman kay Hinatuan police Staff Sergeant Joseph Lambo, ang lindol nitong Linggo ng gabi ay naging sanhi upang magtakbuhan palabas ng kanilang tahanan ang mga tao.
Aniya, “Nag-panic sila dahil sa naranasang lindol noong Sabado ng gabi.”
Patients are evacuated from a hospital in Butuan City after a magnitude 7.6 earthquake struck the southern Philippines / STR / AFP
Ang lindol noong Sanado ay nag-trigger ng tsunami warnings sa buong Pacific region, at nagbunsod upang lisanin ng mga residenteng nakatira sa kahabaan ng east coast ang mga gusali, lumikas mula sa mga ospital at maghanap ng mas mataas na lugar.
Sinabi ng disaster officials sa rehiyong naapektuhan ng lindol, na nagkabitak ang ilang pader at kalsada habang ilang maliliit na bahay ang gumuho at bumagsak ang bubong ng isang outdoor court, ngunit wala pang iniulat na malaking pinsala sa ngayon.
Ayon sa local disaster official na si Pacifica Pedraverde, isang trenta anyos na lalaki sa Bislig City sa lalawigan ng Surigao del Sur ang namatay, nang mabagsakan siya ng dingding sa loob ng kaniyang bahay.
Isang babaeng buntis naman sa Tagum City sa Daval del Norte ang namatay din, ayon sa national disaster agency ngunit wala nang ibinigay na iba pang detalye.
Isang opisyal din ang nagsabing dalawa katao ang nagtamo ng minor injuries dahil sa nagbabagsakang debris sa Tandag City, may 100 kilometro sa hilaga ng Bislig.
Ang pinakabagong mga pagyanig ay nangyari mga dalawang linggo matapos ang pagtama ng isang 6.7 magnitude na lindol sa Mindanao, na ikinasawi ng hindi bababa sa siyam katao, nagpag-uga sa mga gusali at nagpabagsak sa kisame ng isang shopping mall.