Pilipinas, pang-12 sa Top internet users sa buong mundo
Ayon sa report na inilabas ng internet world stats para sa taong ito, 67 million sa 104 million filipinos o 63 porsyento ng kabuuang populasyon ay Social media savvy o madalas na gumagamit ng internet sa kabila ng pagiging mabagal nito.
Umakyat ng dalawang pwesto ang Pilipinas mula sa ika-15 noong nakaraang taon.
Samantala, nangunguna naman sa listahan ang China na may 772 milyong gumagamit ng internet sa mahigit isang bilyon nitong mamamayan.
Pumangalawa ang India na may 462 million users din sa higit isang bilyon ding populasyon; at ikatlo naman United States na may 312 million users.
Nakabase ang datos ng internet world stats sa mga ulat ng International telecommunications union at Facebook incorporated sa kada bansa.
=========