Pilipinas papunta na sa Endemic
Papunta na ang bansa sa endemic mula sa kasalukuyang pandemic, sa harap ng pananalasa ng Omicron.
Ayon kay Infectious Diseases Specialist Dr. Rontgene Solante . . . “We are pivoting from the pandemic to endemicity approach. Ano ba ang ibig sabihin niyan, we will prioritize, manage those at high risk, not necessarily, the cases. We should be preventing mortality to vulnerable populations.”
Sinabi ni Solante na kailangang pagtuunan ng pansin ang vulnerable populations, gaya ng matatanda at mga may comorbidity dahil sila ang puwedeng tamaan ng malalang sakit.
Aniya . . . “We target this population since even if they have mild symptoms, they can still develop severe infection and can overwhelm the healthcare utilization.”
Pahayag ni Solante, maiiwasan ang mas malalang variant sa pamamagitan ng pagbabakuna at pagkakaroon ng immunity ng mga mamamayan.
Dagdag pa nito . . . “We live with it. Even if you have symptoms, we know you will be okay but if you belong to vulnerable population, you need to be tested and treated to prevent progression of the disease.”