Pilipinas suportado Peace summit sa pagitan nina US President Donald Trump at North Korean leader Kim Jong Un
Handa ang Pilipinas na ibigay ang anumang tulong para sa ikapagtatagumpay ng Peace summit na inumpisahan nina US President Donald Trump at North Korean leader Kim Jong-Un sa Singapore.
Sinabi ni Presidential spokesman Harry Roque na kaisa ang Pilipinas sa pagsuporta sa tuluyang ikapagtatagumpay ng peace summit ng US at North Korea.
Ayon kay Roque ipinakikita lamang ng Trump-Kim meeting na pinakamabisa pa rin ang mapayapang usapan at diplomasya para matamo ang ganap na kapayapaan sa sangkatauhan.
Inihayag ni Roque na nakatala na sa kasaysayan ang Trump-Kim peace summit na magbibgay daan sa kapayapaan sa korean peninsula na matagal ng nahati dahil sa digmaan lalo na ang denuclearization na magdadala din ng katahimikan sa sandaigdigan.
“We welcome the landmark summit between US President Donald Trump and Nokor leader Kim Jong- Un in Singapore. This development, which has underscored in the strongest terms the value of diplomacy and peaceful dialogue, augurs well for the peace, security and stability in the region and the world. History has indeed been written. at the same time, this is but the beginning of a process. the Philippines is ready and willing to lend its support toward bringing it to fruition”.- Sec. Harry Roque
Ulat ni Vic Somintac