Pilipinas umapela sa International community na ipatupad ang kanilang nilagdaang kasunduan
Nanawagan ang Pilipinas sa International community na ipatupad ang kanilang commitment para sa mapayapang pagresolba sa anumang sigalot.
Sa harap ito ng nangyaring pambobomba ng Russia sa Ukraine na ikinamatay na ng mahigit isandaang sundalo.
Sa isang statement sinabi ng DFA na may nilagdaang kasunduan ang mga bansang kasapi ng United Nations na idadaan sa mapayapang paraan ang anumang International dispute.
Nakasaad ito sa Manila declaration of the peaceful settlement of International disputes.
Sinabi pa ng DFA sana manaig ang diplomasya at mapayapang paraan para masolusyunan ang sigalot sa magkabilang panig.
Meanne Corvera