Pilipinas, US, at Japan sumabak sa maritime law enforcement training
Nagsagawa ng joint maritime law enforcement training ang Pilipinas, Japan, at US.
Partikular na lumahok sa vessel boarding operations training ang Philippine Coast Guard, Japan Coast Guard Mobile Cooperation Team, at US Coast Guard.
Idinaos ang pagsasanay sa iba’t ibang lokasyon sa Manila Port Area at tumuon sa instruction training para sa PCG personnel
Ang USCG team ang nanguna sa first half ng training para sa instructor development courses sa 14 PCG candidates.
Sa second phase ng training, ang JCG MCT naman ang nagbigay ng tactical instruction sa mga techniques para sa individual self-defense at pagditene ng suspect individuals.
Ito ang unang pagkakataon na ang coast guard ng US at Japan ay nagsanib puwersa nang direkta para sa training event sa PCG.
Moira Encina