Pilipinas uupo bilang VP ng 25th UNWTO General Assembly
Matapos ang 24 na taon ay muling nahalal ang Pilipinas bilang Vice President ng 25th General Assembly ng United Nations World Tourism Organization (UNWTO).
Isinagawa ang eleksyon sa 55th Meeting ng UNWTO Regional Commission for East Asia and the Pacific, kung saan si Tourism Secretary Christina Frasco ang kumatawan sa Pilipinas.
Ayon sa Department of Tourism (DOT), nahirang din ang Pilipinas bilang Chair ng Commission for East Asia and the Pacific.
Bilang bagong pinuno sa nasabing komisyon, ang Pilipinas ang mangunguna sa mga pagpupulong para talakayin ang mga concern sa rehiyon.
Photo courtesy of DOT
Inihayag naman ni Frasco sa kapwa tourism ministers ang kahandaan ng Pilipinas na magkaroon ng pangunahing papel sa international tourism scene.
Kaugnay nito, ang Pilipinas ang magsisilbing host sa Joint Commission Meeting ng Commission for East Asia and the Pacific, at Commission for South Asia sa 2024 na gaganapin sa Cebu.
Tinatayang 300 delegado mula sa mga nasabing rehiyon ang dadalo sa aktibidad.
Moira Encina