Pilipinas uutang ng panibagong $300 million sa World Bank para pambili ng COVID-19 vaccine booster shots
Uutang pa ng karagdagang 300 milyong dolyar ang Pilipinas sa World Bank para ipambili ng anti COVID-19 vaccine booster shots.
Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Karlo Alexi Nograles na kailangang makabili pa ng dagdag na doses ng anti COVID -19 vaccine ang pamahalaan upang maisulong ang pagbibigay ng booster shots lalo na sa mga may immunocompromised populations.
Ayon kay Nograles papaspasan ng gobyerno ang pagsasagawa ng mass vaccination program upang maagapan ang paglaganap pa ng COVID -19 dulot ng Omicron variant.
Inihayag ni Nograles ang uutanging 300 milyong dolyar ay ipandaragdag sa 500 milyong dolyar na nauna ng inutang ng bansa sa Asian Development Bank.
Vic Somintac