Pilipinas wala pang natatanggap na extradition request mula sa US para kay Quiboloy –DOJ
Wala pang hirit na extradition ang US para kay Apollo Quiboloy na nahaharap doon sa mga kasong sex trafficking at iba pa.
Ayon kay Justice Undersecretary Nicholas Felix Ty, wala pa silang natatanggap na extradition request mula sa Amerika.
Aniya, sakaling hilingin ng US na ma-extradite si Quiboloy ay daraan ito sa mahabang proseso sa korte sa Pilipinas.
Aalamin aniya sa gagawing pagdinig kung extraditable ang mga kinakaharap na kaso ni Quiboloy.
Sinabi pa ni Ty, na kailangang may pahintulot din mula sa pamahalaan ang extradition.
Ayon kay Ty, “Kailangan may pahintulot ng pamahalaan natin bago sya ma-extradite. Sa ngayon narinig nyo nang sabihin ng ating presidente at Secretary Remulla na mas gusto nila na humarap muna sa kaso rito si pastor Quiboloy.”
Moira Encina-Cruz