Pilipinas, walang nilabag na batas sa pagpapadala ng Rescue team para sa mga distressed OFWs sa Kuwait

 

Walang nilabag na batas ang Pilipinas sa pagpapadala ng Rapid rescue team ng Embahada ng Pilipinas sa Kuwait para iligtas ang mga distressed Overseas Filipino workerso OFWs sa nasabing bansa.

Sa panayam ng programang Usapang Pagbabago, sinabi ni ACTS-OFW Partylist Representative John Bertis na well-coordinated sa mga local authorities sa Kuwait ang mga rescue operation na ginagawa ng Embahada.

Ipinaliwanag ni Bertis na may mangilan-ngilan talagang pagkilos na ginagawa ang Embahada na hindi na nila pwedeng hintayin ang kung minsan ay mabagal na pagkilos ng mga Kuwaiti authorities alang-alang sa kaligtasan ng mga OFW lalu na yung mga bugbog-sarado na ng kanilang mga amo.

Umalma rin si Bertis sa ilang mga Kuwaiti nationals na nag-share sa social media ng mga pagkilos na ginagawa ng mga Embassy officials na ang karamihan ay hindi naman tama.

“Nagkaron lang talaga ng hindi magandang pagsi-share sa Social media tapos sinakyan pa ng mga Comments lalu na yung ibang mga Kuwaiti rin pero wala tayong nilabag na sovereign rights nila dahil unang-una hindi tayo pumasok sa mga bahay during the operation. Saka yung mga sinasagip natin ay nasa labas lang ng bahay, naghihintay at doon sila tumatakbo. Kaya buwis buhay rin talaga ang pagsagip sa ating mga kababayan”- Cong. Bertis

 

 

===================

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *