NCR, mananatili sa Alert level 4 with Granular lockdown hanggang Oct. 15
Pinalawig pa ng Inter-Agency Task Force ang pag-iral ng Alert level 4 with granular lockdown sa National Capital Region hanggang October 15, 2021.
Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque naging hati ang posisyon ng Metro Manila Mayors kung ibababa sa Alert level 3 o pananatilihin ang Alert level 4 dahil sa kabila ng pagbaba ng reproduction at attack rate ng COVID-19, nananatiling mataas ang hospital bed occupancy sa NCR.
Ayon kay Roque ang Department of Health ang nagdesisyon na palawigin pa ng panibagong dalawang linggo ang Alert level 4 sa NCR.
Inihayag ni Roque bagamat mananatili sa Alert level 4 ang NCR, pinayagan naman ng IATF na gawing ng 20 mula sa dating 10 percent percent capacity ang mga restaurant, personal services tulad ng parlor, beauty salon, barbershop physical fitness gym, social gathering kasama ang religious services basta fully vaccinated kontra COVID-19.
Samantala, pinagtibay din ng IATF ang community quarantine classification sa ibat-ibang lugar sa bansa na ipatutupad ngayong Oktubre.
Nasa ilaim ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) mula October 1 hanggang October 15 ang Apayao, Kalinga, Batanes, Bataan, Bulacan, Cavite, Lucena City, Rizal, Laguna, Naga City, at Iloilo Province.
Nasa General Community Quarantine o GCQ with heightened restriction naman mula October 1 hanggang October 31 ang Abra, Baguio City, Ilocos Sur, Pangasinan, Cagayan, Isabela, Santiago City, Nueva Vizcaya, Quirino, Quezon, Batangas, Bacolod City, Capiz, Iloilo City, Lapu-Lapu City, Negros Oriental, Bohol, Zamboanga del Norte, Zamboanga del Sur, Cagayan de Oro City, Misamis Oriental, Davao del Norte, Davao Occidental, Butuan City, at Surigao del Sur.
Ang Davao de Oro ay nasa GCQ with heightened restrictions mula October 1 hanggang October 15 lamang.
Isasailalim naman sa GCQ mula October 1 hanggang October 31 ang Ilocos Norte, Dagupan City, Benguet, Ifugao, Tarlac, Marinduque, Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Puerto Princesa, Albay, Camarines Norte, Aklan, Antique, Guimaras, Negros Occidental, Cebu City, Cebu Province, Mandaue City, Siquijor, and Tacloban City, Zamboanga Sibugay, Zamboanga City, Misamis Occidental, Iligan City, Davao City, Davao Oriental, Davao del Sur, General Santos City, Sultan Kudarat, Sarangani, North Cotabato, South Cotabato, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Dinagat Islands, Surigao del Norte, Cotabato City, at Lanao del Sur.
Ang natitirang lugar sa bansa ay nasa ilalim ng Modified GCQ.
Vic Somintac