Pilot run ng limitadong face to face classes, umarangkada na
Matapos ang halos dalawang taong pagsasara ng mga eskwelahan umarangkada na ang pilot run ng limitadong face to face classes.
Isandaang public at private school ang lalahok sa pilot run sa mga probinsyang pawang may mababang kaso ng COVID-19.
Sa sistema ng DEPED isang linggo ang face to face at babalik sa distance learning pagkatapos ng isang linggo batay na rin sa rekomendasyon ng doh at dapat may physical distancing.
Mga bata mula Kindergarten hanggang grade 3 at mga nasa senior high school ang lalahok sa physical classes.
Bago ang pilot run nagsagawa ng simulation ang mga eskwelahan para matiyak na nasusunod ang mga itinatakdang health protocols.
Nauna rito inatasan ni Education Secretary Leonor Briones ang mga kalahok na eskwelahan na maghanda ng contigency plan.
Sakaling magkaroon ng outbreak sa COVID-19.
Mahigpit ring ipatutupad ang isolation at contact tracing sakaling may bata o staff ng eskwelahan na makikitaan ng sintomas magpopositibo sa virus.
Meanne Corvera