Unang bahagi ng pilot testing ng antigen test sa Baguio city, hindi pumasa -NTF FOR COVID-19-
:
Hindi naging matagumpay ang unang bahagi ng ginawang pilot testing ng antigen test na ginawa aa Baguio City.
Hindi naging matagumpay ang unang bahagi ng ginawang pilot testing ng antigen test na ginawa aa Baguio City.
Ito ang inihayag ni Retired Major General Restituto Padilla Jr, Spokesperson National Task Force for COVID-19 kasunod ng ginagawang pilot testing ng antigen test sa Baguio.
Ayon kay Padilla, batay sa resulta ng ginawang pilot test, mahigit sa kalahati lang ng resulta ng anti gen test ang tumugma sa resulta ng ginawang RT PCR test.
Ang gusto aniya ng Department of Health, kahit 85% ay tumugma.
Pero paglilinaw ni Padilla, hindi naman ito nagtatapos dito at patuloy paring nakikipagtulungan ang National Task Force sa Department of Health para sa posibleng adoption ng Anti gen Test upang magamit bilang mas mabilis na screening procedures sa mga posibleng infected ng virus.
Nilinaw rin ni Padilla na hindi pa tapos ang Baguio antigen pilot testing at hindi pa ito naisasailalim sa validation process.
Dagdag pa ng opisyal, marami namang antigen test kits sa merkado at hindi naman ito lahat ay nagagamit pa sa testing.
Aminado naman si Padilla na may ilang manufacturers ng iba pang COVID-19 test ang nakikipag ugnayan sa kanila.
Madz Moratillo