Pilot testing ng automated elections para sa BSKE all systems go na – Comelec
Halos 2 buwan pa bago ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections, iniulat ng Commission on Elections na all systems go na para sa Pilot-Testing ng Automated Elections sa gagawing BSKE.
Ang pilot testing ng automated elections ay gagawin sa Barangay Paliparan III at Poblacion Zone II sa Dasmariñas City maging sa Barangay Pasong Tamo sa Quezon City 6th District.
Sa report ni Comelec Comm. Marlon Casquejo, Commissioner in Charge para sa Automated Elections, higit 1 libong Vote-Counting Machines ang kanilang inihanda para rito.
Wala rin aniyang nakikitang problema ang Comelec dahil dati ng na-test at na-certify ng
Department of Science and Technology ang mga nasabing VCM.
Sa oras na maisapinal na ang certified voters list sa mga nasa nasabing lugar, saka naman aniya ipi-print ang machine-readable ballots para sa mga nasabing Barangay.
Layon ng pilot testing na ito na makita ang posibilidad ng pagsasagawa ng automated elections maging sa BSKE.
Madelyn Moratillo