Pinaghahandaan ng Comelec para sa BSKE ang posibilidad na may mga gurong hindi dumating sa mismong araw ang eleksyon.
Ayon kay Comelec Chairman George Garcia Nasa 400 PNP personnels aniya ang inihahanda at ite-train ng Comelec.
Tuturuan aniya ang mga ito ng trabaho ng electoral board at mga kailangang gawin sa mano-manong halalan.
Sinabi ni Garcia na nangyari ito noong 2022 elections kung saan sa Cotabato ay walang dumating na guro para magsilbi sa eleksyon dahil sa takot sa kanilang seguridad.
Dahil rito mga pulis ang tumayong board of election inspectors at nangasiwa ng ginawang halalan roon.
Binigyang diin ni Garcia na back up lang ang mga ito kung kakailanganin at mananatiling mga guro parin ang magsisilbi sa halalan.
Dahil inaasahang mas mainit ang halalang pangbarangay tiniyak ng Comelec na naglalatag sila ng mga seguridad para matiyak na magiging mapayapa ang halalan.
Madelyn Moratillo