Pinakababang temperatura naitala ngayong araw sa Metro Manila dahil sa Amihan
Naitala ang pinakamababang temperatura ngayong araw, Pebrero 21 sa Metro Manila dulot ng Amihan.
Ayon sa Pag-Asa DOST, nasa 19.3 degree celsius ang temperatura ngayong Linggo.
Ito na ang pinakamababang temperaturang naitala sa Metro Manila simula noong Enero 11, 1914 na naitala naman sa 14.5 degree celsius.
Habang sa Baguio city ay naitala ngayong araw ang temperatura sa 9.0 degree celsius, pinakamababa simula noong Enero 18, 1961 na 6.3 degree celsius.
Ayon sa Pag-Asa, patuloy na makararanas ng mababang temperatura ang malaking bahagi ng bansa sa mga susunod pang araw dahil sa umiiral na Amihan o Northeast Monsoon.
47247215 Comments102 SharesLikeCommentShare