Pinakamahabang tren para sa PNR phase 1, Ipinasilip na ng DOTr
Ipinakita na ng DOTr ang kauna- unahan at pinakamahabang electric multiple unit train set na gagamitin para sa South to North Commuter Railway o PNR Clark Phase 1.
Ayon kay Transportation Secretary Arthur Tugade, ito ang unang walo sa isangdaan at apat na mga train cars na inorder ng Pilipinas sa Japan.
Aabot sa 160 meters ang haba ng tren na ito na kayang maglulan ng mahigit dalawang libong pasahero .
Mayroong walong bagon ang tren na kayang tumakbo hanggang 120 kilometers per hour na malaking tulong para mapabilis ang biyahe ng mga commuter.
Mas mahaba rin ito kumpara sa mga tren ng LRT 1, LRT 2 ,MRT 3, MRT 7 at tren ng PNR.
Kung wala aniyang magiging aberya, maaring simulan ang operasyon sa kalagitnaan ng 2023 mula sa Tutuban hanggang Malolos.
30minutes na lang ang inaasahang magiging biyahe mula sa kasalukuyang isang oras at tatlumpung minuto.
Lumagda naman isang kontrata ang DOTr at Japanese government para sa PNR clark phase 2 at pagbili ng 304 train cars para sa North at South railway system.
Nangangahulugan aniya ito na tuloy ang proyekto kahit pa magpalit na ang administrasyon.
Meanne Corvera