Pinakamalaki at pinakabagong barko ng PCG na BRP Teresa Magbanua, idi-deploy sa Indonesia para sa Regional Marine Pollution Exercise 2022
Nakatakdang i-deploy ngayong hapon ng Philippine Coast Guard (PCG) para sa kauna-unahan nitong misyon ang pinakabago at pinakamalaki nitong barko na BRP Teresa Magbanua.
Ayon sa PCG, lalahok ang multi-role response vessel (MRRV) sa Regional Marine Pollution Exercise (MARPOLEX) 2022 sa pagitan ng PCG, Directorate of Sea Transportation (DGST) ng Indonesia, at Japan Coast Guard (JCG) sa Makassar, Indonesia mula May 22 hanggang 29, 2022.
Bukod sa BRP Teresa Magbanua (MRRV-9701), kasama rin sa MARPOLEX 2022 ang BRP Gabriela Silang (OPV-8301), BRP Malapascua (MRRV-4403) at BRP Cape Engaño (MRRV-4411).
Ang mga nasabing PCG vessels ay lalahok sa pag-assess sa oil spill response capabilities ng Pilipinas, Indonesia, at Japan.
Partikular na sa pag-test at evaluate sa pagiging epektibo ng Sulawesi Sea Oil Spill Response Network Plan at ng kasalukuyang procedures ng Oil Spill Recovery and Response Capability ng Indonesia at Pilipinas.
Moira Encina