Pinakamalaking balangay sa bansa, dumaong sa Pasay City
Dumaong ang pinakamalaki at modernong balangay sa bansa na pinangalanang Florentino Das, sa daungan malapit sa Cultural Center of the Philippines o CCP complex sa Pasay City noong Martes, Hunyo 11.
Photo: courtesy of PNA ( Yancy Lim )
Ito ay pagkatapos nilang magdaos ng isang medical mission sa Pag-asa Island sa West Philippine Sea (WPS).
Ang grupo na binubuo ng humigit-kumulang 15 katao ay naglalayong igiit ang mga karapatan ng bansa sa WPS.
Aldrin Puno
Please follow and like us: