Pinakamalaking bulkan sa mundo na nasa Hawaii, sumabog
Sa unang pagkakataon sa loob ng 40 taon, ay sumabog ang Mauna Loa, isa sa limang mga bulkan na bumubuo sa Big Island ng Hawaii at siya ring pinakamalaking aktibong bulkan sa buong mundo.
Ayon sa United states Geological Survey (USGS), ilang taon nang namumuo ang pressure sa Mauna Loa, na ang pagsabog ay makikita mula sa 45 milya o 72 kilometro ang layo, sa bayan ng Kona ang west coast ng main island ng Hawaii.
Sa isang pahayag ay sinabi ng Volcanoes National Park ng Hawaii, na kinumpirma ng USGS na ang lava mula sa summit ay dumadaloy mula sa northeast rift zone.
Nakasaad sa website ng USGS, “The eruption of Mauna Loa has migrated from the summit to the Northeast Rift Zone where fissures are feeding several lava flows.”
Sinabi ng ahensya na sa kasalukuyan, ay walang banta sa mga taong naninirahan sa ibaba ng eruption zone, ngunit nagbabala na ang sitwasyon sa bulkan ay pabagu-bago.
Dagdag pa nito, “Based on past events, the early stages of a Mauna Loa rift zone eruption can be very dynamic, and the location and advance of lava flows can change rapidly.”
Ang mga awtoridad sa Hawaii ay hindi pa naglabas ng anumang mga utos sa paglikas, bagama’t ang lugar ng summit at ilang mga kalsada sa rehiyon ay sarado, at dalawang shelters ang binuksan bilang pag-iingat.
Sinabi ng Vulcanologist na si Robin George Andrews, “The eruption had originally been contained, but was now spreading. Oof. Lava is now erupting from fresh vents on the slopes along Mauna Loa’s Northeast Rift Zone, or NERZ. That brings a new hazardous dimension to the eruption. The fact that it is a hazardous mountain that hasn’t erupted since 1984 — the longest eruptive pause in its recorded history — is why we should all keep an eye on it.”
Pinakamalaking bulkan sa mundo kung ang pag-uusapan ay volume, ang Mauna Loa, na ang pangalan ay nangangahulugang “Long Mountain,” ay sumasakop sa kalahati ng Big Island at mas malaki kaysa sa natitirang pinagsama-samang mga isla ng Hawaii.
Isa sa anim na aktibong bulkan sa mga isla ng Hawaii, ang Mauna Loa ay 33 beses nang pumutok mula noong 1843.
Ang pinakahuling pagsabog nito noong 1984, ay tumagal ng 22 araw at naglabas ng lava flows na umabot sa halos pitong kilometro (apat na milya) ng Hilo.
© Agence France-Presse