Pinakamalaking passenger terminal building sa bansa target na mabuksan na sa Marso
Inaasahang matatapos na sa susunod na buwan ang itinatayong bagong passenger terminal building sa Port of Calapan sa Oriental Mindoro.
Ayon sa Philippine Ports Authority, sa Marso target na mabuksan sa publiko ang pinakamalaking passenger terminal sa bansa.
Kaugnay nito, nagsagawa ng inspeksyon si PPA General Manager Jay Santiago sa nasabing terminal.
Ayon sa kay Engr. Elvis Medalla, Port Manager ng PPA Port Management Office Mindoro, moderno ang bagong terminal na ito at tiyak na magiging mas convenient para sa mga biyahero.
Mayroon umano itong prayer room, breastfeeding station, children playroom, clinic, at modernong elevator at escalator na magagamit ng mga pasahero.
Ang proyekto ay nagkakahalaga ng 353 million pesos.
Ayon kay Santiago, kaya nitong mag-accommodate ng 3,500 na pasahero sa kahit anong oras.
Madelyn Villar -Moratillo