Pinakamalaking Swimming pool sa buong mundo
Tinawag na Crystal Lagoon ang itinuturing na Largest swimming pool sa buong mundo.
Ito ay dahil sa 1,013 meters o 3,324 feet na haba nito at kabuuang area na 8 hectares o 19.77 acres.
Matatagpuan ang swimming pool sa San Alfonso del mar resort sa Algarrobo, Chile.
Opisyal itong naitala bilang “Largest swimming pool by area” ng Guinness Book of World Record noong December 2006, at hanggang ngayon ay wala pang nakatatalo rito.
Ang laman ng pool na ito ay 250-milyong litro o 66 na milyong galon ng tubig, na katumbas ng halos anim na libong pool na may habang walong metro, o 20-Olympic size swimming pool.
Ang salt-water man-made crystal lagoon na ito na nasa 90-kilometro mula sa Santiago, San Alfonso del mar, ay binuksan noong December 2006 matapos ang 5- taong konstruksyon na ginugulan ng halos two million pounds.
============