Pinakamaraming bilang nang nagpapabooster shot na sa A2 category – DOH
Sa A2 o senior citizens may pinakamaraming nagpabooster ng Covid-19 vaccine.
Sa datos ng Department of Health, umabot sa 990,553 senior citizens ang nagpabooster na.
Sumunod naman ay mga nasa A3 o persons with commorbidities na nasa 977,064 at sa A4 o Essential Workers na nasa 953,430.
Kapansin pansin naman na mas mababa ang bilang ng nagpabooster sa hanay ng medical frontliners na nasa 723,234 lamang.
Sa kabuuan ng bansa, umabot na sa 4.1 milyon ang nabigyan ng booster shot.
Sa kabila nito, sa A1 parin naman may pinakamataas na primary dose vaccination coverage, kung saan 2,852,383 sa kanila ang nakatanggap na ng 1st dose ng bakuna habang 2,830,325 naman ang fully vaccinated na.
Sa datos ng DOH, nasa 58.2 milyon na ang partially vaccinated sa bansa habang 53.9 milyon ang fully vaccinated.
Madz Moratillo