Pinakamaraming bilang ng OFWs na tinamaan ng COVID-19, naitala sa ME
Pinakamaraming bilang ng mga Overseas Filipino Workers (OFW) na tinamaan ng Covid-19 ay sa Gitnang Silangan.
Sa datos ng Department of Labor and Employment (DOLE) hanggang Enero 13 ay nasa 7, 844 ang naitalang COVID-19 infections sa hanay ng mga OFW sa rehiyon.
Sa Gitnang Silangan rin naitala ang pinakamaraming bilang ng mga OFW na nasawi dahil sa virus na umabot sa 619.
Nangunguna ang Qatar sa mga bansa sa Middle East na may pinakamaraming kaso ng COVID-19 cases na nasa 3, 873.
Mayroon namang 19 na OFW ang nasawi dahil sa virus.
Sa Europa at Estados Unidos ay nasa 3,078 COVID-19 cases ang naitala kung saan 265 ang nasawi.
Sa Asya naman ay mayroong 1,239 OFW ang tinamaan din ng virus.
Pero kahit may naitalang pinakamaraming tinamaan ng virus, sa Gitnang Silangan din naitala ang pinakamaraming bilang ng mga nakakarekober o gumagaling mula sa COVID-19 na umabot sa 3,697.
Sinundan ito ng Europe at Estados Unidos na nasa 2,372 habang 1,165 naman sa Asya.
Samantala, umabot na sa 410, 211 ang bilang ng mga OFW na naapektuhan ng COVID-19 Pandemic at nawalan ng trabaho ang naiuwi na ng Gobyerno sa bansa at naihatid na sa kani-kanilang pamilya sa Pilipinas.
Ayon sa DOLE, nasa 60, 000 hanggang 80, 000 OFW pa ang kailangang maiuwi sa bansa ngayong taon.
Madz Moratillo