Pinakamataas na average number of death per day dahil sa COVID-19 naitala nitong Agosto
Nitong Agosto naitala ang pinakamaraming bilang ng nasawi dahil sa Covid-19 sa loob lamang ng isang araw.
Sa datos ng Department of Health, ang average na bilang ng nasasawi kada araw nitong Agosto, 155.
Sa kabuuan, may 4,816 nasawi dahil sa virus noong nakaraang buwan.
Kumpara noong 2020, na unang taon ng kasagsagan ng Covid-19 at wala pang bakuna, ang pinakamataas na average na bilang ng namatay kada araw ay 69 at naitala noong buwan ng Agosto.
Ayon kay Vergeire, mula September 1 hanggang 19, nasa 99 ang average number of death per day.
Sa ngayon, nananatili parin aniyang nasa high risk classification ang Pilipinas.
Kung saan ang average daily attack rate ng virus sa nakalipas na 2 linggo, umakyat sa 18.56%.
Hanggang nitong September 17, ang Covid-19 beds utilization rate nasa 70.57% habang 76.64% naman ang ICU utilization rate.
Madz Moratillo