Pinal na kasunduan na titiyak sa proteksyon ng OFWs sa Kuwait, posibleng lagdaan sa unang linggo ng Abril – DOLE

Isinasapinal na ng Department of Labor and Employment ang ilang arrangement para sa pormal na paglagda ng kasunduan sa Kuwait na titiyak sa proteksyon ng mga OFW na naka-deploy sa nasabing bansa.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, posibleng sa unang linggo ng Abril ay lagdaan na ang final agreement.

Pero hindi pa anya batid kung saang lugar isasagawa ang formal signing.

Ang paglagda ng kasunduan ay matapos ang isinagawang negosasyon ng mga labor officials ng Pilipinas at Kuwait sa Maynila noong Biyernes.

Kasama sa napagkasunduan ng dalawang bansa ay ang hindi pagkukumpiska sa cellphone ng OFW; padadaanin na sa bangko ang sweldo ng OFW at itinakda na sa 400 US dollars o 20 thousand pesos ang minimum na sweldo.

Una nang sinabi ni bello na kahit malagdaan ang kasunduan ay hindi ito mangangahulugang babawiin na rin ng Pilipinas ang deployment ban ng mga kasambahay sa Kuwait.

Ulat ni MOira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *