Pinal na listahan ng local testing centers para sa 2023 Bar Exams, inilabas na ng SC
Kabuuang 14 na local testing centers (LTCs) ang pagdarausan ng 2023 Bar Examinations sa Setyembre.
Batay ito sa abiso na inilabas ng Office of the 2023 Bar Chair.
Anim sa local testing centers ay sa National Capital Region (NCR).
Kabilang sa mga ito ang San Beda University- Manila, University of Sto. Tomas, San Beda College- Alabang, UP Diliman, Manila Adventist College, at UP Bonifacio Global City.
Sa Luzon naman ay sa Saint Louis University, Cagayan State University, at University of Nueva Caceres.
Sa Visayas ay sa University of San Jose – Recoletos, University of San Carlos at Dr. V. Orestes Romualdez Educational Foundation.
May dalawang LTCs naman sa Mindanao partikular ang Ateneo De Davao University at Xavier University.
Ang San Beda College- Alabang naman ang magsisilbi ring national headquarters sa bar exams.
Ang venue selection ng mga kuwalipikadong aplikante ay isasagawa sa July 24-25 sa pamamagitan ng online platform na Bar Application Registration Information System and Tech Assistance (BARISTA).
Moira Encina