Pinaltalsik na si Chief Justice Sereno sinabihan ng Malakanyang na tigilan na ang paninisi kay Pangulong Duterte

Sinabihan ng Malakanyang si dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno na tigilan na ang paninisi kay Pangulong Rodrigo Duterte kaya ito napatalsik sa puwesto.

Sinabi ni Presidential spokesman Harry Roque walang dapat na sisihin si Sereno kundi ang kanyang sarili.

Ayon kay Roque kung sumunod lamang sa batas si Sereno sa paghahain ng tamang Statement of Assets, Liabilities and Networth o SALN, wala sanang basehan ang Quo Warranto na inihain ng Office of the Solicitor General.

Inihayag ni Roque hindi si Pangulong Duterte ang nagpatalsik sa puwesto kay Sereno kundi ang mayorya ng mga mahistrado ng Korte Suprema ang nagdesisyon.

Batay sa report matapos mapatalsik sa puwesto nag-iikot ngayon sa Sereno para sisihin si Pangulong Duterte naging kapalaran nito na maalis sa pagiging Punong Mahistrado ng Korte Suprema.

 

Ulat ni Vic Somintac

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *